Aking isinulat at pinag-isipan noong August 8 kung paano ko pupunan ang bakanteng gabing yaon. Na bagaman umuulan, inisip ko na kailangan may "importanteng mangyari" sa naturang petsa.
Makakahanap lang pala ako ng kasagutan sa aking pag-uwi. Wala ang aking ina, maging ang aking kuya at ang kanyang nobya. Isang kapirasong papel ang bumati sa akin na nagsabing nasa ospital silang tatlo dahil ipapanganak na ang aking unang pamangkin.
Nung gabi ding iyon, isinilang ang isang malusog na babaeng sanggol na tatawag sa akin ng Tito Tet. Bumubuhos ang ulan, gayundin ang aming kaligayahan. Kasabay ng mga patak ng ulan samu't-saring pagninilay para sa aming hinaharap.
2 comments:
wow congrats! may pamangkin ka na! ^_^
yup! ako kaya, kelan magkakabeybi? nyahahaha!!!! XD
Post a Comment