August 8, 2007

Paano ko pupunan ang maulan na gabing ito?

Nang dahil sa kasabawan sa pagtipa sa keyboard, binigyan ako ng 13 gabi na "pamamasyal" sa trabaho. Sa linggong ito, isang "pasyal" ang nakalaan para unti-unti kong bunuuin ang ipinataw na hatol ng mga nakakataas.

May mga nainggit dahil "night off" ako sa panggabing trabaho ko. Makakapagpahinga daw ako lalo na't bumabagyo. At makakapag-relax. Kunsabagay may punto rin sila. Subalit sa hirap ng buhay ngayon, hindi lang bawal ang magkasakit. Bawal din ang makaltasan ng sahod.

Iniisip ko na lang na kailangan may mahalaga akong magawa sa petsang ito. Ayon sa Multiply calendar ko, ngayon ang opening ng pinagpipitaganang Cinemanila sa Gateway mall. Mukhang ok pumunta. Kahit papaano, masasabawan ng sustansya ang aking kamalayan (no pun intended) sa pamamagitan ng lokal at foreign na sining pampelikula. Yun nga lang, hindi na siya free admission tulad nung 2001. Hehe, iba pa kasi siguro ang panahon nuon, Mr. Aguiluz. Bahala na nga.

Maari ring literalin ang "pamamasyal". Pwede kong damayan ang nauuhaw na Kamaynilaan at dokumentuhan ang epektong dulot ng bagyo gamit ang point-and-shoot digicam ko na napanalunan ko lang sa kumpanyang aking pinaglilingkuran. Tutal may dalawang photo contest ang nalalapit. Kung ang suspensyon ko ay magiging pagpapala, dun ako huhugot ng ipansasali.  

Isang gabi na ang aking pinagbayaran nuong nakaraang linggo. May 11 gabi pa ang nakapila. Tulad ng alin mang pagkukulang, kailangan, may pampunan.

 

11 comments:

rainier eric alejandro delos reyes said...

suspended kaw? baket?

Mark Lester Cayabyab said...

hay naku hehehe ituuon na lang natin ang atensyon sa redeeming values ng insidente ;-P

rainier eric alejandro delos reyes said...

hmm.. mukhang kasalanan mo naman a. :p
tara mamasyal, sama ako. hehe

Mark Lester Cayabyab said...

saan naman?

rainier eric alejandro delos reyes said...

sa maraming pwede pichuran. dadalin ko din bulok kong cam. hehe. sa UPDiliman lagoon na maraming bibe... sa Ortigas Park na madaming bermuda grass... o kaya sa studio para kunwari model. hehe hibang

Mark Lester Cayabyab said...

pede!

rainier eric alejandro delos reyes said...

o sige time space warp ngayon din!

Jing Lo Puertollano said...

sus! kung ako sana ay masususpinde ng contractor ko ay ang tuwa ko lang. kahit 48 hours lang, solb na ako. ;))

Mark Lester Cayabyab said...

Napansin ko lang na parang iba na ang pananaw ng mga tao sa salitang "suspensyon". Parang, "salamat kung meron dahil extra pahinga". Hindi kaya dahil sa over worked na ang mga trabahador sa kasalukuyang uri ng panahon ng "multi-tasking"? At itinuturing na isang pagpapaubaya ang "pasyal' sa pagal na katawan.

Maaring kulang pa ako sa obserbasyon dahil isang maliit lang na sektor ng lipunan ang ginagalawan ko. Kailangan ko pa sigurong "pumasyal" para sa mas malawak na pang-unawa. Hwehehehehe!!!! ;-)

Nathaniel B said...

good goin mark! I'm on vacation august 20 to 24! ?

Mark Lester Cayabyab said...

haha, ikaw din? :-p anong sala?