December 5, 2008

Potograpo, sumabit sa alambre, sugatan!




Isang potograpo ang bahagyang nasugatan matapos hindi nito nakita ang nakaharang na alambre sa kanyang dinaraanan habang ito'y pumipitik sa pagsisindi ng mga pailaw sa Valenzuela City hall kagabi.

Kinilala ng kung sino mang manunulat na ito ang biktimang si Mark Lester Cayabyab, 26, binata at nakatira sa Krus na Ligas, Quezon City.

Ayon sa ulat, nagko-cover ng pag-iilaw ng Christmas tree ang binatang potograpo sa nasabing bulwagang panlunsod nang hindi niya napansin ang nakaharang na alambreng sumusuporta sa mga streamers sa labas ng bulwagan. Dagliang napatigil sa pagtakbo ang biktima saka ito napatilapon sa damuhan dahil sa lakas ng pagkakapatid sa kanya ng alambre.

"Medyo nahilo ako dun ah! Parang may nakita pa akong kumukutikutitap na star sa ibabaw ng iilawang tree," kwento ng pinagpapawisan at nanginginig na potograpo sa redmark.multiply.com

Dahil dito, isang sugat ang iniwan ng alambre malapit sa pagitan ng mga mapupungay na mata ng biktima.

Agaran namang humingi ng tulong si Cayabyab sa kanyang mga kasamahan sa hanap-buhay at tumuloy pa rin sa pagpiptik habang tumatakbo (no pun intended hahaha!) ang programa matapos lapatan ng lunas.


22 comments:

joel lao said...

yaiks..! kasi naman kung saan-saan ka sumusuot siguro..

alex enriquez said...

huhuhuhu sabi mo ok ka lang...

joelan delota said...

wawa naman ...... pero layo parin sa bituka! go go go take picture parin goh!

Lael Alberto said...

stooopppeeeeeeed!!! mag-ingat ng husto next time!!!

Darwin Chong said...

awwww.... doble ingat... wag maexcite sobra.

kathleen balbarona said...

Wew.ingat ka naman pu!

Jing Lo Puertollano said...

tsk...tsk...tsk. hazardous occupation.

Tom Monponbanua said...

nu ka ba!!!!!sumabit ka na sa matulis na.....wag lang sa alambre!!!!

Mark Lester Cayabyab said...

Dito kaya ipapanganak ang brother scar ng Harry Potter scar ko? ':,-)

kathleen balbarona said...

Aw.masakit kaya yan.

randoy _ said...

wahahahahah!!! peace! gamutin mo agad 'yan sugat mo! :D

Mark Lester Cayabyab said...

':,-)

Rommel Roque said...

clumsy mark? ;)

Mark Lester Cayabyab said...

waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhh!!!!!!!!!!!! :p

Weng Popa said...

wahahahaha i miss you Tom!

Weng Popa said...

dibale pogi ka pa den...

Mark Lester Cayabyab said...

nakakanerbiyos magkumento si Tom ano? hahaha! :D

ambassador ninoy said...

wawa naman kuya ko...hehe paano kasi habang nagpipicture kung kani-kanino tumitingin.haha belat

Mark Lester Cayabyab said...

ok na :P ok na nga eh. hmph..

Mark Lester Cayabyab said...

Mukhang babalik ako sa lugar na ito para muling magbalita...

Tom Monponbanua said...

hey, Mark!!at least, Angela Markado ka na!!!hahahaha!!!!

Mark Lester Cayabyab said...

:D