Showing posts with label meralco. Show all posts
Showing posts with label meralco. Show all posts

December 5, 2008

Potograpo, sumabit sa alambre, sugatan!




Isang potograpo ang bahagyang nasugatan matapos hindi nito nakita ang nakaharang na alambre sa kanyang dinaraanan habang ito'y pumipitik sa pagsisindi ng mga pailaw sa Valenzuela City hall kagabi.

Kinilala ng kung sino mang manunulat na ito ang biktimang si Mark Lester Cayabyab, 26, binata at nakatira sa Krus na Ligas, Quezon City.

Ayon sa ulat, nagko-cover ng pag-iilaw ng Christmas tree ang binatang potograpo sa nasabing bulwagang panlunsod nang hindi niya napansin ang nakaharang na alambreng sumusuporta sa mga streamers sa labas ng bulwagan. Dagliang napatigil sa pagtakbo ang biktima saka ito napatilapon sa damuhan dahil sa lakas ng pagkakapatid sa kanya ng alambre.

"Medyo nahilo ako dun ah! Parang may nakita pa akong kumukutikutitap na star sa ibabaw ng iilawang tree," kwento ng pinagpapawisan at nanginginig na potograpo sa redmark.multiply.com

Dahil dito, isang sugat ang iniwan ng alambre malapit sa pagitan ng mga mapupungay na mata ng biktima.

Agaran namang humingi ng tulong si Cayabyab sa kanyang mga kasamahan sa hanap-buhay at tumuloy pa rin sa pagpiptik habang tumatakbo (no pun intended hahaha!) ang programa matapos lapatan ng lunas.


December 27, 2007

Maliwanag ang Tahanan ng Kapamilya




Nadaanan lang ng sinasakyang taksi, nahimpil lang sa isang gusali, o sa binabaang MRT station sa Kyusi, pumitik na lang ako kaysa palampasin ang pagkakataon.