December 30, 2008

Kislap



Kumikislap:
Ang tuktok ng parola'y
ilang bituing
pakindat-kindat.

Kumukutitap
ang tahimik
nilang masid
sa mga kaluluwang dala
ng hangin

sa kampong
paraisong laman
ng lawa.

Walang kirat
ang pusyaw ng
langit
habang ang ilang
karit ng alaala
ng aking diwa
ay kasalamuha't
kakindatan
and tuktok ng
parola.


Edited by Randel Urbano
December 28, 2008, 11:28 PM
Kuhang larawan ni redmark sa Tanay, Rizal

1 comment:

randoy _ said...

hirap basahin ng last two stanzas pala. wahahaha. nakakapagod bigkasin, walang tuldok o kuwit. :D