January 14, 2009

Isa. Dalawa. Tatlo.





Nagpunta ako sa dambana ng Itim na Nazareno.

Nag-alay ako ng ilang sandaling katahimikan.

Bagamat umaalingawngaw ang busina ng buong Quiapo
at yapak ng hindi mabilang
na mga taong paroo't-parito,
buong katiwasayan kong tinanggap
ang sunod-sunod na mga kabiguang pumihit
sa aking mga ngiti:

    Akala ko pwede na kami.
    Bigla ang pag-iba ang ihip ng hangin sunod ang bugso ng kanyang damdamin.

    Akala ko makakausap ko na ang isang taong kinalakihang hindi kinagisnan.
    Hindi pa pala.
    Hindi ko na makontak ang number niya.

    Akala ko dumating ang isang magandang balita.
    Mauuwi rin pala sa wala ang isang pag-asa.


Dalangin ko'y aking marinig
ang ingay ng sariling tuwa sa Kanyang pagpapasya.



- Kuhang larawan ni redmark habang binabaybay ang kahabaan ng Araneta Avenue sa Quezon City.


No comments: