July 4, 2007

WALANG PASOK NGAYON WIPEEEEEE!!!

Start:     Jul 4, '07
Location:     sa tabi-tabi...
Fil-American Friendship Day ngayon sa Pilipinas. Independence Day ng Amerika mamyang gabi, oras-Maynila, kaya walang pasok ang mga call boys at call girls ng pinagpipitaganang industriya ng BPO. Patay ang mga nagtatayugang gusali ng Ayala mamyang gabi. Ang saya, day off para sa aming lalamunan!

Nasa gusali pa rin ako ng kumpanya at pinagsasamantalahan ang internet sa game room. Mula sa ika-15 palapag ng gusali, matayog ang pagkakatayo ng Rufino Plaza subalit naliligo lamang ito sa anino ng gusaling aking kinaroroonan.

Bahala na. Ayoko pang umuwi. Walang buhay dito sa loob ng gusali na noo'y akin lamang tinatanaw mula sa kampus ng PUP. Mas masaya sa kalye, sa labas. Duon merong buhay. Duon maraming makikita. Dala ko ang aking dalawang kamera, sa kanila kasiyahan ay natatamasa.

Bahala na, laging ganun ang sistema. Basta, gagala ako at sasamantalahin ang isang araw at gabi na paglaya. Mabuhay kalayaan, wiiipeeeee!!!



4 comments:

Jing Lo Puertollano said...

BPO ka rin pala? hehehe!

Leo Alberto said...

tulog-tulog ang mga puyat n_n

Mark Lester Cayabyab said...

yup! for export tayo n_n

Mark Lester Cayabyab said...

oist, mas puyat ako kapag weekends dahil right after the friday shift derecho ako sa whole-day workshop :-p