February 19, 2008

"Sabi ko para!"

Eksena sa loob ng isang pampaseherong jeep pabiyaheng Siniloan, habang binabagtas ang binabagtas ang daan palabas ng Pakil, Linggo, Pebrero 17, 2008...

(Tahimik sa loob ng jeep. Hindi naka-on ang stereo at nakababa ang trapal para iwasang umanggi ang manaka-nakang ulan. Malamig ang hangin mula sa kabundukang malapit sa lawa ng Laguna.)

Ale: Mama para...

(Marahang huminto ang jeep at saka tumayong nakatungo ang ale para makababa.)

(Dumungaw ang mamang drayber sa kanyang de yerong pintuan. May isang pampasaherong jeep naman ang huminto sa kabilang dako ng kalsada at may mga sinambit ang dalawang drayber sa isa't-isa.)

(Ilang saglit kumambyo ang drayber para muling umusad na syang ikinagitla ng ale na nuo'y isang hakbang na lang sa estribo.)

Ale: Mama para! (Pumara din ang mga pasahero...) 

(Biglang napakapit ang ale sa estribo sa kanyang paglingon sa drayber at sumandal sa gilid habang papatigil ang jeep...)

Drayber: Magsabi ka kasi na bababa ka! (Sinilip ang ale sa rear mirror nya ng naka-kunot ang nuo.)

Ale: Nagsabi ako ng para! (Muhing bumaba...)

(Sesegunda ang isa pang babaeng pasahero, tititig sa rear mirror...)

Pasahero: Pumara yung ale, ikaw naman yung kani-kanino nakatingin!

Drayber: Ay ganun ba? Eh sorry...

(Lilisanin ang pook ng pangyayari. Kailangan pang pumasada.) 

12 comments:

whatifikissyou whatifikissyou said...

para sabi eh. >_<

Darwin Chong said...

hahaha... "eh sorry tlaga" hehe

qwer ty said...

aba kilala nyo din si mark... hmm..

rainier eric alejandro delos reyes said...

nakakapikon naman yan. pati na ang nagyoyosi sa jeepney. pati yung drayber na bayad lang ang naririnig. pati yung nagpapaabot ng bayad na sumisigaw pa at gusto pa ikaw ang mag-effort abutin ang bayad nya (na para bang may komisyon ka sa pag abot ng bayad). haaaaaaaay jeepney.

chuck calderon said...

hahaha. antanga naman nung driver. :))

Jing Lo Puertollano said...

puro kasi 'wento. di tuloy napansin na same ale pala ang pumara. hihihi!

Ivan Biento said...

HOLDAP TO! sana ganun nalang para siguradong huminto... hehe

Mark Lester Cayabyab said...

Basta kakaaliw sila, parang asong biglang bumahag ang buntot yung lalaki nang malaman nya ang pagkakamali. Kung lahat lang tayo ganun kadali makakita ng sariling pagkakamali sa kahit na anong pagkakataon e di mas masaya. Walang ring mahaba-habang pagtatalo.

Pero isa lang ang sigurado... kakaaliw sumakay ng jeepney. n_n

Dos Ocampo said...

Sabi nga nila, Para saan daw ang jeep? Sa tabi!!! hahhahah!

Mark Lester Cayabyab said...

may mas siga pa sa jeep... yung mga de-wang wang...

Tom Monponbanua said...

kadalasang nangyayari 'yan!!!'yang mga drayber kasi,kita lang ang inaatupag..di ung kapakanan ng mga pasahero...hmp!!!kainis!!!!musta ka na, parekoy?

Tom Monponbanua said...

maganda rin ang siniloan..may kaibigan ako na nakatira dun at nakipisan ako pansamantala..sa may Mabitac...malapit sa kinalakihan ni Dion Ignacio..( kilala mo?)hehehehehe!!