February 28, 2008

Multiplied!




Photographer. Writer. Utility boy. Bwahahahaha! XD

Photos and montage by Nykko Santos

Minsa'y may mga gamu-gamo...




Valentine's Day 2008

San Miguel by the Bay - SM Mall of Asia, Pasay City, Metro Manila

February 19, 2008

"Sabi ko para!"

Eksena sa loob ng isang pampaseherong jeep pabiyaheng Siniloan, habang binabagtas ang binabagtas ang daan palabas ng Pakil, Linggo, Pebrero 17, 2008...

(Tahimik sa loob ng jeep. Hindi naka-on ang stereo at nakababa ang trapal para iwasang umanggi ang manaka-nakang ulan. Malamig ang hangin mula sa kabundukang malapit sa lawa ng Laguna.)

Ale: Mama para...

(Marahang huminto ang jeep at saka tumayong nakatungo ang ale para makababa.)

(Dumungaw ang mamang drayber sa kanyang de yerong pintuan. May isang pampasaherong jeep naman ang huminto sa kabilang dako ng kalsada at may mga sinambit ang dalawang drayber sa isa't-isa.)

(Ilang saglit kumambyo ang drayber para muling umusad na syang ikinagitla ng ale na nuo'y isang hakbang na lang sa estribo.)

Ale: Mama para! (Pumara din ang mga pasahero...) 

(Biglang napakapit ang ale sa estribo sa kanyang paglingon sa drayber at sumandal sa gilid habang papatigil ang jeep...)

Drayber: Magsabi ka kasi na bababa ka! (Sinilip ang ale sa rear mirror nya ng naka-kunot ang nuo.)

Ale: Nagsabi ako ng para! (Muhing bumaba...)

(Sesegunda ang isa pang babaeng pasahero, tititig sa rear mirror...)

Pasahero: Pumara yung ale, ikaw naman yung kani-kanino nakatingin!

Drayber: Ay ganun ba? Eh sorry...

(Lilisanin ang pook ng pangyayari. Kailangan pang pumasada.) 

February 13, 2008

Al fresco without Gloria Jean's Coffees




Manila Mayor Alfredo Lim is in, Gloria Jean's Coffees is out.

No more expensive coffee-samalamig store squatting in his park. The Raja must be smiling.

Raja Sulayman Park, Malate, Manila. February 11, 2008

February 7, 2008

Tulay pantao




Sa ikauunlad ng bayan, pink na overpass ang kailangan. Bow!

Ano na kaya ang nangyari sa pagpapatigil ng Citi (Citibank dati) sa pagtatayo ng MMDA ng isang tulay pantao sa tapat mismo ng gusali nito sa Eastwood, Quezon City? Nasolusyunan na kaya?