November 28, 2007

Puting panyo

Suot ko ang jacket sa office. Ito rin ang jacket na pinasuot ko sa iyo nuong una tayong nagkita.

Hindi ko namalayan sa aking bulsa, hawak ko na pala ang isang puting panyo. Dinampi ko ito sa aking pisngi at dagli kong naalala ang pabangong nakayakap sa iyo nang gabing hawak mo ng mahigpit ang aking kamay sa tabing-dagat, habang ang alon ay panay ang hikab sa ilalim ng mapusyaw na kalangitan. 

Sa isang kisapmata, muli tayong magkasama.

8 comments:

rainier eric alejandro delos reyes said...

naks
naks naks
naks naks naks

Mark Lester Cayabyab said...

"If there's Mark, there's magic." ;-) hehehe

Ida Torres said...

huwaw. kanino kaya ito? hmmm... interesting

Darwin Chong said...

galing ng pagkakasulat.

Mark Lester Cayabyab said...

(enter Batibot song) ... Pa-pa-pa-pa-pa-palaisipan... ;-)

Mark Lester Cayabyab said...

hehe thanks n_n

kathleen balbarona said...

intriguing..

John-C bello said...

Nakatago pa ba ang puting panyo?