Start: | May 28, '08 |
End: | May 30, '08 |
Location: | Sofitel Philippine Plaza Hotel |
Free surgery is sponsored by CARITAS and OPERATION SMILE. Actual operation is on May 28-30, 2008. Kindly inform others. Thank you.. Pass Around!
Start: | May 28, '08 |
End: | May 30, '08 |
Location: | Sofitel Philippine Plaza Hotel |
Start: | May 16, '08 6:00p |
Location: | PETA Theater Center 5 Eymard Drive, E. Rodriguez, Quezon City, Philippines (behind Quezon City Sports Club) |
"Enweys, gusto ko lang sana kayong yayain na magvolunteer sa isang writing workshop para sa mga batang nakatira sa ilalim ng tulay. Sila ay part ng community ng ATD Fourth World check out their site http://www.atd-fourthworld.org/. Di pa namin naseset ang exact date pero malamang Sabado gaganapin to.
Karamihan sa mga batang 'to yung mga namamalimos sa kalye, di makapag-aral kasi walang pera ang mga magulang. Karamihan sa kanila ang daming galis sa katawan kasi hindi naarawan at nakakaligo kasi yung perang pampaligo nila nilalaan na lang nila sa pagkain nila. Karamihan sa kanila yung mga batang madudungis na iniiwasan natin sa kalye.
Ang ATD ang isang movement na tinataguyod na magkaroon sila ng dignidad kahit na mahihirap sila. Madami silang volunteers na nagbibigay ng mga arts and crafts workshops sa mga bata. Iba't ibang forums naman para sa mga magulang nila.
Hindi pa daw sila nagkakaroon ng writing workshops. Nakakapanghinayang kasi nung minsang naobserbahan ko ang mga batang kasama sa community nila sobrang creative magdrowing. Malaki ang chances na hindi pa lang natatap ang imagination nila.
Sa ngayon, tatlo pa lang kaming nagcoconfirm dito sa workshop na to. Pagmimeetingan pa namin ko pano ang modules at kung pano ito ipiprisinta sa mga batang gutom sa kaalaman. Pero nakapagdesisyon na kami na sa buwan ng Mayo namin gagawin ang event.
Kaya hinihikayat ko talaga kayo na tumulong. Di kailangan na writing workshop din kayo. Puwedeng arts and crafts. Puwedeng photography. Puwedeng basahan niyo sila ng libro. Puwedeng kahit ano. Di naman tayo magtatagal. Isang oras lang naman yun. Sa may Pandacan o sa kalye dun sa may Quirino Avenue (lugar ng mga holdaper, hehe).
Puwede rin namang perang pangmeryenda ng mga bata at gamit para sa workshop (ayan kinakapalan ko na mukha ko).
Sa mga interesado, puwedeng puwede niyo akong i-email: rnavarra@gmail.com. Puwede rin sa e-mail na ito. Sa ngayon puro mga kaopisina ko pa lang ang nayaya ko. Pero iwewelcome rin kayo ng mga batang to.
Salamat!!!"
--Ruth
--------------------------------------------
redmark says: Makibahagi tayo, volunteer na!